#20 | Diskriminasyon

Hindi man nakikita ay ramdam na ramdam ang mga matutulis na tingin. Mga matang mapang husga. Sa unang tingin pa lang ay nagtataasan na ang mga kilay nila. Nakadagdag pa sa panlabas na anyo ang di ordinaryong pangalan. Kapag pumapasok sa mga convenient store, malls atbp, agad ang pag sunod at ang pagmamasid sa bawat galaw. Bakit ba pakiramdam ata nila ay may gagawing hindi kaaya-aya anumang oras. Pati sa pag aapply ng trabaho ay pahirapan. Kumpyansa sa sarili at kakayahan pero dahil lang sa pangalan at pinanggalingan ay biglang nagiiba ang ihip ng hangin. Kakaunti lang ang kaibigan. Madalas na nag iisa. Madalas pinagtatawanan. Madalas dinadaan daanan lang. Hindi man lubos na kilala ay napakabilis husgahan. Hindi na iniisip ang pinagdaraanan, basta na lang kung magsabi ng masasakit na salita. Insulto! insultong sa haba ng panahon ay kinaya na rin ng sikmura. Insulto! hindi na rin iniinda dahil sa wala rin namang mangyayari at lalo lang mapapasama. Maigi pa ang maging mangmang sa ganitong sitwasyon. Maigi pang maging manhid. Pag kakaisa ang kanilang ipinapalaganap pero sila mismo ang bumubukod at pumipili. Dito lang, oo dito lang dahil ito ang nababagay. Hindi kabilang dahil walang bilang. Walang karapatan dahil hindi nararapat. Oo, mananahimik na lang. Pero palaging bilog ang mundo.

 

Advertisements

7 thoughts on “#20 | Diskriminasyon

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: