#18 | Stroke

Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na yon.

May 9, 2014

“Anak pwede ba kung uuwi ka na ngayon, para kasi akong na istroke”

Nasa school ako noong umagang yon ng matanggap ko ang text na yan mula kay mama. Agad agad akong umuwi at nadatnan ko nga siya na nakaupo sa may sofa. Agad ko siyang sinugod sa hospital. Taxi na ang sinakyan namin at sinabi ko sa driver na mag hazard at huwag hihinto kahit pa sa stop light.

Dahil dun ay may humabol sa amin na enforcer at pilit na pinahinto ang taxi. Nakiusap ako sa enforcer na bago kami mag usap tungkol sa violation/s ay tulungan muna kaming makarating sa pinakamalapit na hospital. Salamat naman at mabait ang enforcer at siya ang nag hagad sa amin papunta sa hospital. At hindi na rin tiniketan ang taxi. Nangako naman ako sa taxi driver na ako ang sasagot kung ano man ang violation.

Pag dating sa hospital ay inasikaso naman agad ng mga doktor at nurse si mama. Hanggang sa kailanganin na i CT Scan sya. Ang problema, sira daw ang CT Scan machine nila at inalok kami na ilipat agad ng hospital si mama. Nagtanong ako kung may available na ambulansya, meron naman daw kaso kelangan bayaran ng 5,000 pesos. Masyadong malaki, hindi ko kaya. tumawag ako sa barangay namin at nag tanong kung may available sa kanila. After 1 hour pa daw, kasi may inihatid daw sa PGH. No choice na ako, nag taxi na lang uli kami papunta sa pangalawang hospital. Inabot lang ito ng 250 pesos.

Pag dating sa pangalawang hospital ay hindi kami inaasikaso. Pallibhasa naka shorts at shirt lang ako. Kaya nakapag taas ako ng boses sa mga nurse at doktor sa ER. Tapos lagi pang sinasabi ng doktor na kesyo hindi daw iniinom ng ayos ang maintenance na gamot.

Nasagot ko tuloy sya na “sabihin na, yun ang dahilan. Ang kailangan ko solusyon hindi yung paulit ulit mong sasabihin yan.”

Sabay banat naman si Doc. na kailangan i CT Scan kaso walang technician. Akala ata ni Doc ako ay isang mangmang.

“Hospital to diba? so ibig sabihin may mga on call kayo.” sabi ko.

“Kelangan nyo po ng additional payment para dun.” sabi ni Doc.

“Doc, walang problema sa pera. Gawin nyo lahat ng kailangang gawin.” sagot ko.

Pero sa totoo lang, wala akong kapera pera noon. Hindi ko alam ang gagawin ko. Bahala na, importante eh maasikaso ng maayos si mama.

Inabot ng limang araw si mama sa ospital at nakakagulantang na inabot ng 80k ang bill. Laking pasalamat ko na lang dahil nagamit ko ang aking PhilHealth pati na din yung kay papa, kaya nasa halos 20k lang ang binayaran namin.

May isang buwan ding halos hindi makalakad si mama dahil nga sa naapektuhan ang left side ng katawan nya. Pero dahil na din sa therapy ay naging ok na sya ngayon.

 


 

Matagal nang may maintenance na gamot si mama, ang kaso nga lang ay hindi nya ito naiinom ng regular, pasaway din kasi. May highblood pressure si mama at sabi ng doktor noon sa kanya ay may kondisyon din sya sa puso kaya kailangan niyang mag maintenance ng gamot.

Walang diabetes si mama, wala rin sa history ng family namin ang may diabetes kaya laking gulat namin na noong na stroke sya ay napakataas ng kanyang blood sugar. Umabot ito ng halos 400, at ang normal daw ay nasa 100 lang.

Ngayon, no choice na si mama kundi inumin ang kanyang mga gamot. Every month ang check up at every 3 months ang kanyang laboratory.

Si mama din kasi yung tipo na kahit may nararamdaman na basta’t kaya pa ay hindi nag sasabi. Kaya ayun, nung mga panahon na nagsabi sya malala na pala.

 


 

Sa ngayon, kung titignan ay parang hindi na stroke si mama. Nakakatuwa dahil siya na din mismo ang gumawa ng paraan para magbalik siya sa dati. At kahit hindi paalalahanan ay disiplinado na sya sa kanyang mga kinakain at regular na ding nag eexcersice. Hindi na rin niya kinakaligtaan ang mga gamot nya at ang mga check up at laboratories. Patuloy kong ipinagdarasal ang tuloy tuloy na maganda niyang kalusugan.

 


 

Pati na din ako ay naging disiplinado sa aking mga kinakain at sa excersice. Syempre kailangan kong sabayan si mama dahil noong mga panahon na yon ay dalawa lang naman kaming magkasama. Hanggang sa nakasanayan ko na hanggang ngayon.

 


 

sa mga tao at pamilyang dumadaan sa mga ganitong klase ng pag subok, unang una ay wag tayong makakalimot lumapit sa Diyos. Wag din natin ipagsawalang bahala ang payo sa atin ng ating mga doktor. Wag kaliligtaan ang mga gamot na kailangang inumin at importante ay disiplina at exercise.

Advertisements

7 thoughts on “#18 | Stroke

Add yours

    1. 😢😢 I’m sure naging mahirap para sayo lalo pa at nasabi mo nga na ikaw ang panganay.. Pinaka mahirap siguro yung mag explain sa mga nakababatang kapatid mo tungkol sa mama mo.. #salute

      Liked by 1 person

  1. May mga ospital talaga na ganyan. At imposible na wala silang mga technician. Nasubukan kong mag-intern sa ospital dahil pre-med student ako (not to brag). Gagawa at gagawa ng paraan ang mga staffs lalo na kung delikado ang kalagayan. Sad to say, hindi lahat responsible. For emergency purposes kasi, kung sakaling may problema sa ospital at hindi talaga kaya, tatawag ang ospital sa ibang ospital na alam nilang favorable for the patient. Tama ‘yong ginawa ng mama mo na ‘wag ng maging pasaway. Anyway, mabuti at mabuti na ang condition niya ngayon.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: