#17 | Battle of Marawi

Ang Islamic City of Marawi ay ang capital city ng probinsya ng Lanao del Sur sa Mindanao. Ang mga taong taga Marawi ay tinatawag na Maranao at ito din ang tawag sa kanilang lengwahe. Ang syudad ay tinatawag din bilang “Summer Capital of the South” dahil na din sa mas mataas na level nito at may mas malamig na klima. Matatagpuan ang Marawi sa hilagang bahagi ng Lake Lanao. Tinatayang higit 200,000 ang population nito. Ang economy naman nito ay bumabase sa agriculture, trading and exporting. Makikita rin ang sarili nilang istilo sa kani-kanilang mga structures tulad ng mga bahay buildings at mga mosques. Nandito din ang pinakamalaking State University sa Mindanao kasunod ng University of the Philippines, ito ang Mindanao State University. Kung tutuusin ang mayaman sa kultura, edukasyon at ekonomiya ang Marawi.

Mahigit isang taon na simula noong nag simula ang giyera sa Marawi. itinuturing itong bilang pinakamahaba at pinaka nakamamatay na digmaang kinaharap ng Pilipinas simula noong World War 2. Kinontrol ng terrorist groups na Maute kasama ng ISIS ang bayan ng Marawi. Malaking pinsala ang naidulot ng giyera. Halos walang itinirang mga bahay, establishments, simbahan at mosque. Lahat ay durog. Mistulang binura sa mapa ng Pilipinas ang siyudad.

May 23, 2017 sinimulang umatake ng Maute Terrorists at ang Amai Pakpak Hospital ang una nilang inukupa. Pinaalis nila ang mga empleyado ng nasabing hospital. Napabalita ding pinalitan nila ang bandila ng Pilipinas ng watawat na ginagamit ng ISIS. Inatake din nila ang 103rd Brigade ng Philippine Army na naka station sa Camp Ranao. Sinunog din nila ang marami sa mga property sa lugar kabilang ang ilang mga bahay, buildings at mga sasakyan. Sa ginawang pag atake ng grupo sa City hall ay nakatakas din ang maraming inmates sa City Jail. Nagawa rin nilang maisara ang mga pangunahing kalsada papasok at palabas ng Marawi.

Makalipas ang higit limang buwang kaguluhan ay pormal nang inanunsyo ni Presidente ang Liberation ng Marawi. Sa pagtatapos ng digmaan, ito ay nag iwan ng 974 na napatay mula sa militanteng grupo, 12 ang na capture, 168 government forces ang napatay kung saan 12 dito ay mula sa friendly fire, 1,400 ang sugatan sa panig ng gobyerno at nasa 87 civilians ang namatay.  Sa ngayon ay paunti-unti pa ding bumabangon ang bayan ng Marawi. Mahaba habang panahon pa bago maibalik sa dati ang syudad.

Ipinagdarasal ko ang mabilis na pag recover ng Marawi pati na rin ang mga residente nito mula sa pinsalang idinulot ng gyerang ito.

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 


 

Advertisements

One thought on “#17 | Battle of Marawi

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: