#16 | Power!

Isa ako sa mga nabiktima ng mga linyang “tara, kape tayo sa Starbucks, libre ko”.

Syempre nakrinig ako ng libre so, sama agad ako. Order na ng kape, kwento-kwento. Sa labas kami pumwesto kasi gabi naman na so hindi na mainit. May nag park na magarang kotse hindi kalayuan samin. Pumasok saloob at umorder. Paglabas ay siyang upo sa aming harapan.

Nadale ako ng networking. May isang oras ding walang sawang nambola ang driver. At sa huli nga ay inakit akong sumali sa kanilang negosyo. Ipinangaakit nya ang kanyang dalawang mamahaling telepono, relos at ang magarang sasakyan.

Tinanong ko sya kung gano nya kabilis nabili ang mga magagara niyang gamit. 3 months lang, ang agad niyang sagot. Sabi ko sa kanya na kung totoo nga yun ay pautangin nya ako ng 8 thousand pesos. Since sigurado naman na kikita ako ng malaki sa loob ng 3 months ay siguradong mababayaran ko siya agad. Napangiti na lang sya sa sinabi ko at hindi na nakapag salita. Ang katahimikang iyon ay sinamantala ko na, nag paalam at agad agad na akong umalis. Hehe. Akala nya makakaisa sya ha.

Advertisements

13 thoughts on “#16 | Power!

Add yours

  1. Hahaha.. Nice move! 😊

    Actually, yung concept ng networking which is “leveraging” ay okay naman talaga. Parang same concept na si Henry Sy ay kumikita kahit natutulog sya, kase may mga tao syang nagtatrabaho para sa kanya.

    Naging negative lang ang networking kase ginamit na sya for scam. Even yung mga legit, naging pangit ang imahe kase nambobola na yung ibang members para lang makapag recruit.

    Liked by 1 person

    1. Tama po, agree po ako sa inyo. Medyo naging negative na nga ang tingin ng karamihan (aminado isa ako) sa Networking dahil sa mga iilan na ginagamit ito as tool para sa scam. Pero ang kahit na anong negosyo or pagkakakitaan ay may mga risks. Kaya imposible ang makapagbigay ng assurance na kikita maliit man o malaki. If it is too good to be true, lalo sa negosyo medyo distansya po ako dyan. Kung sa leveraging naman po mas panatag ako sa bonds, VUL at stocks (trading and/or investing).

      Liked by 1 person

      1. Yup, lahat naman talaga may risks. Kaya alam dapat natin ang pinapasok natin, mapa negosyo man or investment. Pero usually, yung ibang mga successful na tao ay risk-taker eh. Iba-iba lang talaga tayo ng risk appetite.

        Yung mga nabanggit mo naman ay more on investing. More of diversification ang ginagawa mo, not putting all your eggs in one basket.

        Ang leveraging naman on the other hand ay mas swak gamitin sa business. Dyan na din pumapasok ang word of mouth advertising, which is considered networking na din. We can use networking as our advantage, basta alam lang natin gamitin ito. ☺

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: