#15 | Mula Takipsilim hanggang Bukang Liwayway

Marami nang pagkakataon na dumating sa akin ang takip silim ng buhay. Eto yung mga panahon na unti-unting sinasakop ng dilim ang liwanag. Para sa akin, eto ang mga panahong pinaka nakakatakot. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay o kung may naghihintay ba? Mga sandali na maraming bagay ang pumapasok sa aking isipan. Magulo. Panahon ng pag babalik tanaw sa mga masasayang sandali na nariyan ang liwanag. Pag aalala sa mga kakaharapin sa gitna ng dilim. Habang dumidilim ay mas lalo pang lumalakas ang kaba sa dibdib. Hindi makita kung sino o ano ang nasa iyong likod. At hindi rin matanaw ang aking paroroonan. Bagama’t may ediya, ay bulag ang mga mata sa mga maaaring mangyari. Maganda man o hindi, makikita lang ang lahat sa pag sapit ng bukang liwayway. Napakahaba ng gabi.

Sa mga panahong ito nasusubukan ang aking tatag at pananalig. Dito ko rin nakikita kung sino ang mga taong laging handang umalalay. Mga taong tatapik sa aking balikat kapag hindi ko na kaya. Tapik na magpapaalala sa akin na may dahilan pa para tumayong muli at magpatuloy sa paglalakbay. Sila ang mga taong magpapalakas ng aking loob pero hindi kukunsinti sa baluktot. Dito ko din matatagpuan ang mga taong iiwanan din ako sa gitna ng kawalan. Mga taong inaakala kong masasandalan ko sa mga ganitong pagkakataon. Mga inaasahan kong sasamahan ako sa aking paglalakbay. Sa paglalakbay na ito ay makakatagpo din ako ng mga tao na tulad kong nasa dilim ng kani kanilang mga landas na kanilang tinatahak. Sila na magbibigay din ng sarili nilang mga kwento. Mga kwento na magpapalakas ng aking loob. Sa mga panahong ito rin, sigurado, siguradong maaalala kong tumawag muli sa Kanya. Madalas ay Siya lang ang aking matatakbuhan sa oras ng pag dududa  sa aking paligid. Siya ang nakakasagot ng napakaraming bagay na gumugulo sa aking isip. At alam kong Siya din ang nagsisilbing gabay para umabot ako hanggang dulo.

Sa papalapit na pagbubukang liwayway ay unti-unti ding gagaan ang bigat na pinapasan. Unti-unting mapapalitan ng luha ng kaligayahan ang dati ay luha ng paghihirap. At pag tuluyan nang lumiwanag, doon ko na malilingon ang aking hirap na pinag daanan. At magrerealize ko na, walanghiya, kinaya ko yun. At sa muli kong paglalakbay, umabot man ako sa muling pag takip silim ay marami na akong aral at experience na natutunan. Kabado man ay alam ko na sa sarili ko na kaya ko na itong harapin. Kung kinaya ko noon ay siguradong kakayanin ko uli ngayon. Lagi ko lamang aalalahanin ang mga taong sumama sa akin, ang mga taong nakilala ko noon at lalong lalo na lagi akong dapat manalig sa Kanya.

 

Credits to the owner of the photo

Advertisements

2 thoughts on “#15 | Mula Takipsilim hanggang Bukang Liwayway

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: