#14 | Nagmahal Ako ng Single Mom

Anong masama sa single mom?

Oo, nagmahal ako ng single mom.

Ano ang kwento?

Nagkakilala kami ng girlfriend ko noong kami ay 4th year high school pa lang. Nag tagal kami ng halos tatlong taon. Dahil na rin sa pagiging pilyo at mga naging kalokohan ko noon ay iniwan nya ako. Aminado naman ako sa mga nagawa kong kasalanan sa kanya. Nasaktan ko sya ng sobra. Kaya mahirap man, ay tinaggap ko noong nagkahiwalay kami.

Nag layo ang aming mga landas, nagkaroon kami ng mga sarili naming mga pag ibig. At doon ay nabuo ang kanyang baby girl. Kaso, isang gago naman ang nakabuntis sa kanya at hindi pa nya naipapanganak si baby girl ay iniwan na sila.

Two years old na si baby girl noong pinagtagpo na naman kami ng mapaglarong tadhana. Sa mga oras na yon ay muling tumibok ang aming mga puso para sa isa’t isa. Alam ko ang responsibilidad sa relasyon na pinasok ko. At tanggap ko ng buo si baby girl. Unang una hindi nila kasalanan pareho ang mga nangyari. Nagmahal lang ang girlfriend ko at si baby girl wala namang alam sa mga nangyari.

Noong una ay natatakot ang girlfriend ko sa mga maaaring mangyari. Iniisip nya si baby girl, ayaw nyang dumating ang panahon na may maririnig siyang masasakit. Sinigurado ko naman sa kanya na hindi ito mangyayari.

Naaalala ko noong una akong nagbakasyon sa Pilipinas, medyo malaki na si baby girl at tuwang tuwa naman ako. Kaso, hindi pa sya gaanong magiliw sa akin. Kahit kasi kilala nya ako ay hindi nya ako madalas makita dahil nga nandito ako sa malayo.

Nakakatuwa kasi magkasama naming sinusuportahan si baby girl at ngayon nga ay nag aaral na sya sa nursery. Konting panahon na lang ay papasok na sya sa elementary. At ang mas nakakatuwa doon ay kilala na nya ako at magiliw na sya sa akin. Papa na din ang tawag nya sa akin ngayon. Since ako lang naman ang nakilala niyang papa. Salamat sa girlfriend ko dahil siya ang nagpapakilala sa akin kay baby girl.

Malaki ang respeto ko sa mga single mom. Nakita ko kasi ang hirap ng mag isa lang na magpapalaki sa anak nila. Sila ang nanay at sila din ang tatay. Dalawang role ang ginagampanan nila sa mga anak nila.

Sa ngayon, girlfriend ko muna ang tumatayong mama at papa kay baby girl. Pero darating ang panahon na hindi na ako aalis ng bansa at sisiguraduhin kong babawi ako kay baby girl.

Isa din sa number one priority ko ay ang mailipat ng apelyido si baby girl. Tinanong ko naman na sa gf kung ok sa kanya at sinabi naman nya na walang problema dahil ako naman daw talaga ang papa ni baby girl. Napakasarap sa pakiramdam.

Sa lahat ng makakabasa nito, wag po natin husgahan ang mga single parents. Oo, totoo nga na nagkamali sila sa mga naging desisyon nila noon, pero kahit kailan ay hindi pagkakamali ang magkaroon ng baby. Biyaya pa nga ito mula kay God.

At sa ating mga lalaki, hindi makakabawas sa ating pagkalalaki ang magmahal ng single mom. At sa iba dyan, kung matapang kayong dalhin ang babae sa kama, dapat ay matapang din kayong akuin ang mga responsibilidad na maaaring maging consequence ng mga desisyon ninyo, planado man o hindi.

Sabi ko nga po ay, ang bayag hindi lang sa kama ginagamit. Dapat lagi natin itong dala-dala. Kung may bayag tayo sa kama, dapat ay may bayag din tayo sa responsibilities. (sorry po sa word na ginamit ko, realtalk lang po).

 
unsplash-logoKatie Emslie

Advertisements

4 thoughts on “#14 | Nagmahal Ako ng Single Mom

Add yours

  1. “Kung may bayag tayo sa kama, dapat ay may bayag din tayo sa responsibilities.” – Agree ako dito. Panindigan kung ano man ang pinasok, hindi yung tatakbuhan na lang basta-basta.
    At saludo talaga tayo sa mga single moms, at syempre sayo din na kaya tanggapin ang iyong GF despite her past.

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: