#12 | Bunso

Simula noong bata pa ako hanggang ngayon ay bunso ang tawag sa akin ng parents ko.

Ako naman ay takang taka dahil nga sa papaano ako magiging bunso kung nag iisang anak lang naman ako.

Ang paliwanag nila sa akin ay dahil nga sa wala silang matawag na bunso kaya yun na lang ang itinawag nila sa akin.

Hanggang sa dumating na nasa 4th year high school ako at usong uso ang facebook noon. Ang ginawa ko noon, wala pa naman akong friends kaya sinearch ko ang apeliydo namin at pinag aadd ko lahat ng lumabas sa search result.

Ilang araw pa ang nakalipas ay inaaccept na din ako ng mga inadd ko. Nakita ito ni papa at napatigil sya sa isang account. At tinanong nya ako kung kilala ko daw ba yon. Sabi ko na wala akong kilala sa mga yan kahit isa, basta sinearch ko lang yung apelyido namin at inadd ko lahat.

Bigla na lang siyang naiyak at sabay sabing kuya ko daw iyon. Gulat din ako noong mga panahong iyon. Sabi nya na bago daw sila mag kakilala ni mama ay may asawa sya at may apat na anak at yun ngang na add ko sa facebook ay ang kanyang panganay.

Ilang taon pa ang lumipas ay nagkaroon na ng lakas ng loob na iadd ni papa ang kuya ko. Nag send sya ng message pero hindi naging maganda ang pag tanggap niya kay papa. Ang kwento kasi, simula nung magkakilala sila ni mama ay naputol na din ang kanyang communication sa una nyang pamilya at sa lumipas na mahigit dalawang dekada ay ngayon lang uli sila nagkaroon ng communication.

Normal lang naman siguro yong naramdaman ni kuya dahil normal lang naman ang nararamdaman niya. Inisip ko din na kung ako ang nasa sitwasyon nya, siguro ay ganun din ang aking naging reaksyon.

Nung nag retire na si papa sa pag aabroad ay sinabihan ko sya na subukan uli mag chat kay kuya, baka sakali. Sa pagkakataong ito ay sinabi ni kuya na kung pupwede ay magkita silang dalawa, para makapag usap ng personal.

Nagdalawang isip si papa noon kasi sabi nya baka daw galit pa sa kanya si kuya.

Sabi ko naman ay kailangan nyang tanggapin ano man ang mangyari sa kanilang pag uusap at mas maganda na rin yon para naman ma explain nya yung side nya. Tanggapin man nya o hindi ang paliwanag, ang importante ay nasabi nya.

Pinalakad kong mag isa si papa, hindi na ako sumama. Sabi ko oras nilang dalawa yon.

Ang kwento pag uwi nya, ok na daw silang dalawa. “Papanong ok na?” ang tanong ko.

Naglabas daw ng sama ng loob si kuya at si papa naman ay nagpaliwanag. Parehas daw silang naging emotional noong mga oras na yon pero ok na. Tinaggap ni kuya ang paliwanag ni papa.

Pero papano yung tatlo pa niyang mga anak. Ang sabi ni kuya, sa ngayon ay hindi pa raw sila handang harapin si papa. Pero nangako naman si kuya na paunti unti ay gagawan nya ng paraan.

Sa ngayon, kada may okasyon ay bumibisita si kuya sa bahay. Nagpupunta din silang mag anak sa bahay pag bakasyon ang mga bata sa school.

Nakakatuwa dahil tanggap din ako ni kuya at itinuturing din nya akong kapatid.

Salamat sayo kuya at sana dumating din ang araw na pag buksan ng iba ko pang mga ate ang pintuan ng kanilang mga puso para kay papa.

At ngayon ay naintindihan ko na din kung bakit bunso ang tawag nila sa akin. Dahil literal nga naman na ako ang bunsong anak ni papa.

Advertisements

2 thoughts on “#12 | Bunso

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Create a website or blog at WordPress.com

Up ↑

Create your website at WordPress.com
Get started
%d bloggers like this: